Dapat pinost ko na ito noon pa. Mag t-two months na oh! Pero ipopost ko pa din ito. Ayun nga naka graduate na ako sa High School! Finally! Grabe nga eh nasira yung sapatos na suot ko sa umpisa pa lang ng March ng mga Graduates. Mabuti na lang nagdala yung kaibigan ni Mommy ng isang sapatos sa school namin. Para mapaltan ko yung sapatos ko. Super kinakabahan talaga ako noon kahit dulo pa yung name ko. Kinausap ko pa nga yung classmate ko na unang tatawagin kung pwede palit muna kami ng shoes pagkababa niya. Okay lang naman daw sa kanya. Pero thank God pa din dahil dumating yung isa kong sapatos pamalit. Kaya iyon hindi na ako humiram.
Syempre makakalimutan ko ba yung araw na kasama ako sa Honor? First time kong maging honor. Simula kasi nung Grade 1 ako to Third Year never akong nakasama sa Top. Kaya napaka memorable talaga ng araw na ito sa akin. Hinding-hindi ko malilimutan. Kahit huli ako sa Top. At least nakasama pa din ako at proud akong sabihin na 93.60% ang average ko. Iniyakan ko yan ng maraming gabi ha.. Di biro ang makapasok sa Honor lalo na kung ikaw ay ako.
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorI love comments! Please send me your thoughts too! Instagram
Categories
All
|