Naalala ko noong Sept. 20, 2012 nag post ako na pumayag si Mommy na ibili ako ng VANS. At ngayon dream come true na ako! Nagkaroon na ako!! Super saya ko talaga, akala ko talaga nag j-joke lang si Mommy na mag sh-shopping kami, pero grabe talaga. Siya na mismo ang nagdala sa akin doon sa stall kaya ang saya saya ko talaga.
Tapos noong nabili na namin siya at palabas na kami ng Department Store. Nadaan kami sa stall ng Camera -Canon. Sabi ko' Mommy, wait lang'. Sumunod naman siya sa akin tapos pinakita ko sa kanya yung DSLR. Alam naman niya kasi na pangarap ko din yan. Nakita namin yung presyo, okay naman at kaya naman bilhin. Ang sabi niya 'Kung hindi mo binili yang VANS, bibilhin ko na lang ito'. Grabe lang talaga! Sana pala dito muna kami nadaan para ito na lang nabili ko! Kasi mas gusto ko ang DSLR sa VANS eh. Magagamit ko siya sa Parties, pati pang ne-negosyo ko yon. Yung Photographer na iha-hire sa kasal , debuts mga ganoon. Talagang sayang talaga iyon.. Edi sana ngayon may DSLR na ako. achuchuchu
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorI love comments! Please send me your thoughts too! Instagram
Categories
All
|