Ngayon na ang huling araw na wala kaming pasok. Bukas back to normal na naman, may pasok na naman!
Naku, makakatulog kaya ako ngayon ng maaga? Nasanay kasi ako ng 12:00 na natutulog kababasa ng story sa eBook ko. Binabalikan ko yung story ni HeveYouSeenThisGirl na Diary ng Panget / Diary ni Eya. Kahit nabasa ko na siya noon, kinikilig pa din ako! :D May naisip tuloy akong i-status sa FB ko, kaso nga lang baka isipin nila may boyfriend ako kahit wala naman. Ito yun, Nakakaasar yung boyfriend na sasabihin BREAK NA KAYO yun pala joke lang. Pssh. Inspired by Diary ni Eya, may part kasi doon na nagselos si Cross at nakikipag break na siya kay Eya. HAHAH, ang babaw! Pero infairness nakakakilig yung Joke Lang part. Hayss, may pasok na naman bukas! Tataba na naman ako. Joke, pipigilan ko na talaga ang kumain. Kaya lang naman ako kain ng kain dahil secret ko iyon para magkagana akong mag-aral sa MATH eh. Shhhh lang :PPP
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorI love comments! Please send me your thoughts too! Instagram
Categories
All
|