High school pa lang ako iniisip ko na sa sarili ko. What if marunong akong mag violin? Ngayon lang nag college ko naisipin talaga na ipush ito. Nag-ipon ako ng pera pambili dahil ayaw kong humingi sa magulang ko. And ngayon ito na, may violin na ako! Syempre hindi naman basta basta ako bumili. Nag search muna ako paano ba gamitin ang violin, anong magandang klase, saan nabibili and etc. Nabili ko siya sa may pureza. May street doon na tabi tabi ang mga music store. Magsaysay Road to be precise. Malapit na siya sa SM Sta. Mesa walking distance na lang. Kung alam mo ang brand na Lumanog doon mo makikita ang magagandang klase ng gitara at iba pang instruments. Yung violin ko pala ay Baldwin. May nagtanong din sa akin kung marunong ako. Nung wala pa akong violin. Nanunuod muna ako sa youtube ng mga cover pati ilang tutorials paano ito gamitin at masasabi kong marunong ako. Thank God at pinag-aral ako ng mga magulang ko noong bata pa ako ng piano. Marunong kasi akong bumasa ng notes kaya di rin ako nag dalawang isip na bumili ng violin. So sa mga nagbabalak pa lang sa violin at marunong naman bumasa ng notes. Push for it! Kahit marunong na ako sa ibang instrumento at nag-uumpisa pa lang ako mag-aral. Syempre mahirap. Kasi sa violin. Dalawang kamay ko ang gumagana pati balikat at baba mo gagamitin mo rin. Kaya walang singer na nagvioviolin at the same time. Kasi part ng pag gamit ng violin ay baba! Hahahaha.
Nakakatugtog na ako ng ilang kanta. Pero yung mababagal pa lang. Nakakagawa na rin ako ng vibrato pero kapag paisa isa yung notes lang. Mahirap siyang gawin kapag mabilis pati masakit siya sa daliri. Hahaha but I know it would takes time. "Lahat dapat ay pinaghihirapan"
0 Comments
Nag ssmule ka rin ba? Kung kumakanta ka man ay pinaprivate mo? Ganyan ako sa soundcloud pero nung nag Smule ako medyo kumapal na mukha ko. Meron din kasi na you know hindi naman ganun kagaling is nagpopost publicly might as well gayahin ko. HAHAHA. So, I'm not a singer type na nagpopost ng kanyang kinata sa internet but I feel like this collab I had with Gleek_AllenHonor is exceptional. Hindi ako gumaling kumanta pero yung naka collab ko ay oo. Kaya na inspire ako hehehe. Sana magustuhan niyo!
This song is to all torpe out there at sa mga babaeng naghihintay! Akala ko di na ako magiging scholar! Yung feeling na di na talaga kaya ng utak ko! Pero nandyan ang mga tao sa paligid ko na binubugbog ako ng fighting spirit n "Hindi, kaya pa yan." Kaya iyon naniniwala pa ako kay Lord na kaya pa. At hindi nga ako binigo ni Lord, scholar pa din ako! Pero medyo alanganin yung major ako. Sana mapagbutihan ko pa lalo sa susunod. Ayoko lang na 'scholar' ako sana kaya ko ding maging dean's list kahit isang beses lang. I just want a certificate. Sana kaya... Iyon nga after kong ibalita sa Mommy ko na scholar ako. Grabe hindi ako makapag type ng maayos at that time sa sobrang excitement. Tapos iyon nag gala siya, hindi ako sinama. Pero inuwian naman niya ako ng J.CO! Ipopost ko kasi first time kong makakakain nito. I swear! Wala kasi akong pera pambili nito Dunkin Donut lang binibili ko. Yun lang afford ko eh. Kaya pagpasensyahan niyo na po hihihi :) Masaya lang... Tapos kanina ewan ko ba kinakati ako na gumawa ng video. Nung isang linggo ko pa gustong gumawa ng cover ng Thinking Out Loud pero hindi ko kaya yung first and second stanza ang baba! So I decided na isama ulit ang pinsan ko na magaling kumanta! Trial lang po itong video. Gagawa pa daw kami ng whole version :D HAHAHA, enjoy! |
AuthorI love comments! Please send me your thoughts too! Instagram
Categories
All
|