High school pa lang ako iniisip ko na sa sarili ko. What if marunong akong mag violin? Ngayon lang nag college ko naisipin talaga na ipush ito. Nag-ipon ako ng pera pambili dahil ayaw kong humingi sa magulang ko. And ngayon ito na, may violin na ako! Syempre hindi naman basta basta ako bumili. Nag search muna ako paano ba gamitin ang violin, anong magandang klase, saan nabibili and etc. Nabili ko siya sa may pureza. May street doon na tabi tabi ang mga music store. Magsaysay Road to be precise. Malapit na siya sa SM Sta. Mesa walking distance na lang. Kung alam mo ang brand na Lumanog doon mo makikita ang magagandang klase ng gitara at iba pang instruments. Yung violin ko pala ay Baldwin. May nagtanong din sa akin kung marunong ako. Nung wala pa akong violin. Nanunuod muna ako sa youtube ng mga cover pati ilang tutorials paano ito gamitin at masasabi kong marunong ako. Thank God at pinag-aral ako ng mga magulang ko noong bata pa ako ng piano. Marunong kasi akong bumasa ng notes kaya di rin ako nag dalawang isip na bumili ng violin. So sa mga nagbabalak pa lang sa violin at marunong naman bumasa ng notes. Push for it! Kahit marunong na ako sa ibang instrumento at nag-uumpisa pa lang ako mag-aral. Syempre mahirap. Kasi sa violin. Dalawang kamay ko ang gumagana pati balikat at baba mo gagamitin mo rin. Kaya walang singer na nagvioviolin at the same time. Kasi part ng pag gamit ng violin ay baba! Hahahaha.
Nakakatugtog na ako ng ilang kanta. Pero yung mababagal pa lang. Nakakagawa na rin ako ng vibrato pero kapag paisa isa yung notes lang. Mahirap siyang gawin kapag mabilis pati masakit siya sa daliri. Hahaha but I know it would takes time. "Lahat dapat ay pinaghihirapan"
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorI love comments! Please send me your thoughts too! Instagram
Categories
All
|